February 06, 2012

D a d d y

Si daddy super mapagmahal na ama, hanggat kaya nyang ibigay binibigay nya, super sweet pa. Strict na dad lang talaga sya, masyado syang mahigpit saming mga babaeng anak pero tuwang tuwa sya pag ngchichicks yung kanyang lalakeng anak. Hanggang ngayon, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nya saming magkakapatid. Alam ko kahit bihira nyang sabihin na mahal na mahal nya kami. Malambing din si daddy, mapagbiro, mabait at mahilig tumawa. OO, mapagmahal talaga si daddy kaya nga 9 kaming magkakapatid sa tatlong iba't ibang mommy. And believe or not, close kaming magkakapatid. Magaling kasi si daddy at mababait yung mga kapatid ko. Kaya naman lahat kaming magkakapatid, mahal na mahal namin sya.

Isa syang businessman, madami syang mayayaman na kaibigan at mga malalaking tao na kasosyo nya sa kanyang business. Ang kwento sakin ni daddy noon, mahirap lang daw talaga sila noong mga bata sila. Nagsikap lang daw sya at naging masipag kaya naabot nya ang kinatatayuan nya ngayon. Halos lahat kaming magkakapatid ay hanga sa kanyang aking talento. Yun nga lang, masyado na nyang inabuso ang kanyang sarili. Dumating ang panahon na hindi namin inaasahan, nagkasakit si daddy, isang traydor na sakit. STROKE. Nagulat kaming lahat kasi laging healthy foods ang kinakain nya, hindi sya ng ssmoke at hindi rin sya pala inom ng alak. Sabi ng doctor, sa sobrang pagod sa trabaho at konting pahinga. Nastroke si daddy year 2000 of January. Lahat kami nanlumo, umiyak, nalungkot at natakot.

ST LUKES HOSPITAL
Pero syempre, malakas ang loob ni daddy, lumalaban sya, Desidido talaga syang gumaling dahil mga bata pa kami. I was just 13 yrs old, si Joy naman was 9 and si Jhay R was 4 years old. Lagi syang nagpapa therapy at nag aaral syang magbasa at magsulat gamit ang kaliwa nyang kamay. Dumating din ang panahon na medyo naging gipit kami kaya yung dati nyang kanang kamay na kasa kasama nya kahit saan ay hinayaan na naming umalis at kumuha ng opportunity sa ibang bansa. Ako ang naging kapalit non, ok lang sa akin kasi tatay ko naman sya. Hindi rin pwede yung iba kong kapatid kasi busy sila sa work at yung iba ay nasa college na kayat laging busy sa school. Masaya ako kasi lagi kaming maybonding moments ni daddy dahil lagi kaming ngbibiruan. Dumating pa nga sa punto na nalaman ni daddy na may boyfriend nako, when i was 1st year college. Kinausap nya ako kahit pabulol bulol ito, na gusto nyang makilala ito. Nung kausap na ni daddy yung ex ko, pinaghiwalay nya kami at sabi ay mag aral daw muna kami. (natawa ako kasi kahit may sakit na si daddy eh strict na parents parin sya! hihi) pero hindi ako nagalit o nagsisisi. Natuwa pa nga ako kasi naranasan kong paghigpitan ni daddy... Promisem totoo yan.
Madaming taon pa ang lumipas at unti unting nakarecover si daddy sa kanyang sakit, ngunit sa kadahilanan nga na traydor ang sakit nya. Bigla syang inatake ulit nito. Eto nanaman yung ayaw namin maramdaman. Mas lao na ngayon na may sakit sya. Dumoble ang panlulumo, lungkot, iyak at takot namin sa ngyayari kay daddy. Hindi pa kami ready na mawala sya. Hindi pa kami handa sa lahat... At pinagbigyan kami ni Lord, sinabi ng Doctor na makakasama pa namin si daddy, nagsuccess ang operasyon ngunit hindi na sya katulad ng dati. Magiging lantang gulay na sya o bedridden. Meron pa ngang pagkakataon na pinapapili na kami ng doctor dahil mabigat na responsibilidad at gastusin daw ang aming ilalabas upang humaba pa ang buhay nya. Pero ayaw naming magpasindak sa mga gastusin na yan, kikitain rin naman namin yan. Ang mahalaga samin ay makasama namin si daddy at iparamdam namin sa kanya na mahal na mahal namin sya!

sa room ni daddy
Nakakalungkot mang isipin, ang laki talaga ng kanyang pinayat. lagi syang nagkakaron ng bed sore at unti unti ng bumabaluktot ang kanyang mga paa. Pero ganun pa man ay never kaming pinanghinaan ng loob. mas lalo pa namin syang minahal.
Dumating ulit ang panahon na mas lalo kaming nagipit at hindi na namin kayang mag bayad ng dalawang nurse (isa sa pang araw at isa sa panggabi). Kaya nag decide kami na kumuha nlang na panggabing nurse. pero hindi rin nagtagal yun dahil mas lalo pa kaming sinubok sa financial. Kaya kaming magkakapatid na lamang ang nagsasalit salitan na bantayan sya. Ok lang samin kasi nagkakaron kami ng bonding time with daddy at kaming magkakapatid.
Lumaban si daddy ng apat na taon, binigyan nya kami ng panahon upang maghanda, at sinigurado nyang kaya na namin dahil malalaki na kami. Binigyan kami ni Lord ng apat na taon upang makasama at mahalin namin sya ng buong puso bago nya kinuha si daddy samin. OO masakit pero mas masakit din saming makita na naghihirap na sya at nasasaktan na sa mga sugat nya.
Naaalala ko pa, nawala sya nung JANUARY 19, 2011. Akala namin natutulog lang sya nung mga panahon na yun, wala na pala sya. Nalaman lang namin na wala na sya nung dumating ang doctor at sinabi samin at aming madrasta na "Nay, wala na po si tatay".. Nong mga panahon na yun ay ang hirap tanggapin. Pero unti unti rin naming narealize na its time for us to let him go and rest in peace.... Mahal na mahal namin si daddy.. Actually he was the best dad ever!!

ika siyam na araw ni daddy

Sa nangyari samin, madami akong pinagsisihan at natutunan. At dahil dito ay mas naging matatag at naging close pa kaming magkakapatid. Pag nagkikita kita kami hindi kami nauubusan ng kwento at lagi kaming masaya.
Dahil kay daddy, naging mabuti kaming tao.

Sa mga nakakabasa nito, hanggat andyan pa ang mga magulang nyo, mahalin nyo sila na parang wala ng bukas. Sabi nga nung Father na nag mass samin nung babang luksa ni daddy, ang kamatayan ay traydor, hindi mo alam kung hanggang kelan ka mabubuhay. Hindi mo alam kung sa pagtulog mo mamaya ay magigising ka pa o ang iyong mga mahal sa buhay. Kaya't hanggang maaga pa ay sabihin nyo na sa kanila kung gano mo sila kamahal, na despite sa kanilang pakikitungo sayo (kung may alitan kayo ngayon) nagpapasalamat ka na inalagaan at hinayaan ka nilang masaksihan ang mundo.

Basta daddy, alam ko kasama ka namin at binabantayan mo kami..
Daddy, Happy birthday. Ngayon ang ika 62nd birthday mo. At gusto kong malaman mo na miss na miss ka na namin. Sa tuwing naaalala kita, hindi ko mapigilan na hindi maluha. Mahal na mahal ka namin daddy, sobra...

Lord, thankyou sa lahat ng blessings, sa lahat ng binigay mo samin. Lord sorry sa mga nagawa naming kasalanan. Hinihiling ko po Lord na sana lagi nyong gabayan ang kaluluwa ni daddy at gabayan nyo rin po kami. Thankyou talaga Lord, Iloveyou :) Amen.

February 01, 2012

abortion

this photo is not mine


It doesn't make any sense! Bakit pati ang mga walang kamalay malay na bata ay nadadamay sa kanilang pagkakamali. I know poverty and over population are the famous problems that we are facing in our country but do they really need to do this?!! Siguro nga yung mga gumawa nito ay hindi pa ready sa commitment pero sana wag nila idamay ang bata. Look, malaki na sya, siguro nasa 9 months na to sa tyan ng kanyang ina. Nakakapangilabot, nakakaawang bata. Kung hindi pa sila ready sa gantong sitwasyon sana nag ingat sila. Sana gumamit sila ng proteksyon! Sana bago nila ginawa ang isang bagay ay inisip nila ang mga possibilities na pwedeng mangyari. I know i'm not in the position to judge them kasi hindi ko pa nararanasan ang gantong sitwasyon, na mabuntis sa di tamang panahon but i know deep in my heart and soul na kung mangyari man ito at hindi ko inaasahan na mangyayari ito, hinding hindi ako mag iisip ng abortion. Madaming mag mag asawa ang nangangarap na magkaanak ngunit hindi sila mabiyayaan ng ganto. Naniniwala akong bawat sanggol na isinilang sa mundo ay blessings! Lahat ng to ay galing sa Diyos. Lahat ng to ay may purpose kaya dumating to sa buhay natin. Quitting is not an option, Running away is not the best solution and Abortion is not right answer to your problem! Face it! Kasi yan ang consequence sa ginawa mo. Remember, all actions that you did has its own consequences! Ang buhay ay hindi puro pasarap. Ang buhay ay hindi laging laro...
Ang sakit sa puso, nakakaiyak. Hindi nyo binigyan ng pagkakataon ang bata na masilayan at maranasan kung pano mabuhay dito sa mundo. Hindi nyo siya pinagbigyan upang makita ang ginawa satin ng Diyos! Tandaan nyo sana na ang Diyos lamang ang may karapatang wakasan ang buhay nating lahat. Siya lang at wala ng iba pa! Isang malaking pagkakamali at kasalanan tong nagawa nyo. Sana magbigay aral to sa inyo...

Alam ko ang bawat salita na naisulat ko dito ay puno ng puot at hinanakit, masakit isipin na hindi nila pinahalagahan ang biyaya na binigay ng Diyos kahit sa di tamang panahon. Pero alam ko God has a purpose why he did that. He knows when is the right time even though we don't think it is. Eventually, we will realize why he did that.

Sana magbigay ito ng munting aral satin na wag nating gawing biro ang gantong sitwasyon. Wag natin gawin ang ginawa nila... Bawat tao ay may karapatan mabuhay dito sa mundo. Kung mabuntis ka man sa di tamang panahon, dapat natin harapin ang ginawa nating pagkakamali. Dahil itong pagkakamali na to ang magtuturo satin sa tama. Ito ang tutulong satin para mabuting tao. Wag niyo sanang tularan ang mga taong gumawa nitong ABORTION!!

January 30, 2012

TRINOMA MALL

Madaming beses na kaming nagkakaron ng BIGLAANG lakad ng mga friends ko. Kain dito, watch ng movie doon. Kape dito at hang out duon. Pero lagi lang kami nasa within Pasig City. Most especially sa Megamall!!
Well, it's my fault din naman. Lately nalang din kasi ako natutung magcommute at magpunta sa ibang lugar. Actually, madami akong 1st time sakanila. First time sumakay ng bus (yung pampasadang bus), MRT at LRT at mapunta sa ibang lugar bukod sa Pasig at Taguig! haha. True yan. Minsan nga naiinis na yung mga friends ko kasi nakakasawa na daw at lagi kaming nasa MegaMall. Pero at the end of the day, iniintindi nalang nila ako. 
Not until nagpost ng message ang friend kong si Carlen sa facebook. Dapat daw mag explore naman daw kami sa ibang lugar. Lumabas naman daw ako sa comfort zone ko. 
Kahapon ng umaga, tumwag sakin ang friend kong si Anna at manonood daw kami ng movie sa Trinoma at sagot daw nya. Hindi daw ako pwedeng humindi. At ganun na nga ang ngyari, dahil sa wala din akong trabaho, wala akong karapatan mag object! Sabi nga nila eh "Beggars cannot be choser!" haha

Nagchurch muna kami ng BBF"s ko tapos dumiretcho na kami sa Trinoma. 
Wow! Grabe, ang Trinoma Mall pala para lang Market Market ang itsura. Pabilog ang Mall pero syempre mas mukhang Class parin ang Trinoma! 
Natutuwa ako kasi nakapunta ako dito, nag enjoy ako! Ang sarap pala ng pakiramdam na makapunta sa ibang lugar. May mga bago kang na eexplore. In fairness maganda din ang Movie House nila. Kaso ang napakalayo ng rest room, kelangan mo pang lumabas ng Movie House. 

Basta masaya ako! Gusto ko naman next time sa SM North haha. Maiba naman o kaya sa MOA. 

carlen, me and anna


Masaya din ako kasi, nakapanuod ako ng movie at nakakain ng masarap dahil nilibre ako ng mga BBF's ko!! :)
Ang swerte ko talaga dahil sila ang mga friends ko :)

January 28, 2012

FAIRY TAIL

Pag nanunuod ka pa rin ba ng ANIME, isip bata ka parin? Hmmm in my opinion, hindi naman siguro. Kasi ako at the age of 24, I still personally like to watch cartoons. Hindi namang yung mga Tom and Jerry, MR. BEAN or yung mga pang baby katulad ng CATDOG. hindi naman yung mga ganun. Ang mga gusto kong stories ay yung mga magic at a lil' bit of romance. Yung may mga Cheezy parts... Speaking of that, natutuwa ako at ibinalik nila yung Sailor Moon. Ang lakas maka bata! Hahaha, naaalala ko tuloy yung bagets time ko na hindi ko pinpalagpas yung episode nila. Isa pa sa mga paburito ko ay yung Fushigi Yugi, Akazukin Chacha, Shaman King, Naruto, One Piece, Detective Conan at marami pang iba...

Lately lang, siguro mid October of last year, I have a guy friend na naikwento sakin na may magandang anime na still going parin ang story sa MANGA at ginagawang cartoons at yun ay yung FAIRY TAIL. Nung una, nawiweirduhan ako dahil sa title ng anime. Parang pang bata at walang thrill ang kwento but I was wrong. Eto yung picture nila...


The best anime! kinabog pa yung fushigi yugi. Hindi lang to puro action at cheesy part. kasi may mga scene dito na nakakatawa at nakakaiyak! The story is all about guilds against bad people. Basta, maganda sya. may sense yung story, hindi lang sya pang bata. magugustuhan din to ng mga matatanda. Basta! I recommend na try nyong iwatch to, at for sure ma aadict din kayo katulad ko. Actually kakatapos ko lang magbasa ngayon sa Manga.fox.com  at mapanuod yung episode na anime nito sa onepieceofbleach.com.

The best anime ever! ang gaganda pa ng story at may moral lesson! Promise...


I recommend na mas magandang panuorin nyo to in their version. Pangit na kasi yung tagalog dubbed. Hindi gaano nag aaccurate sa nararamdaman nila.

Bilib ako sa writer nitong fairy tail... thumbs up ako sa kanya! :)

before and after!!

I can still remember when I was young and full of confidence. Alam ko sa sarili kong maganda ako at madaming humahanga sakin. Masyado akong self concious at mahal ko ang sarili ko. I was always fixing myself and keeping myself beautiful. Though, hindi ako ganun kagandahan, katamtaman lang ang tangkad with fair complexion. I still had the guts! Hindi matangos ang ilong ko at malaki ang mga mata ko. Sabi nila mata ko daw ang asset ko but i dont believe them. Despite of those imperfection, I still loved myself. this was me 21 years old....


feeling sexy and beautiful...



feeling great and being appreciated by others..

JenA, AJ, me, Jezka and Aimee


That was me before....



Now, that i dont have that figure. I got fatter and doesn't have the shape anymore. Nawala lahat ng confidence ko. Feeling ko I'm not that beautiful dahil sa katawan ko. 
I tried to exercise, drink some dietary pills, and lessen my foods but still hindi ko napanindigan. Nahihirapan akong panindigan kasi ang sarap kumain, humilata, at nakakatamad kumilos... See, kasalanan ko parin! haha. Sabi nga ng maga friends ko nasa tamang pagdidisiplina lang daw yan. Its all in the mind and the matter of motivation. Pero Eto ako nagpapadala sa katmaran ko! But despite of those insecurities,tanggap ko na kung ano ako... Pero syempre di parin ako nawawalan ng pag asa na Papayat pa din ako! hahaha

Look at me now, and see the difference.. How I wasted time and effort... echos! hahaha


Ang laki ng nilaki at tinaba ko...



at nawalan nako ng confidence na im still beautiful inside and out!


at eto ang malala.. ang taba taba na ng kilikili ko!!! hahahahaha
grabe dati hindi naman sya ganto, ewan ko ba lahat nagsitabaan. kilikili, binti, hita, bilbil. pero bakit ganun? hindi nadagdagan ng taba yung boobs ko? hahaha kaasar...

reality hurts talaga, nilalait ko na sarili ko... :p

Feelingera lang!!

As of now, crush na crush ko si LEE MIN HO. Grabe! Madami na akong napanuod na korean novela pero sakanya lang ako na starstruck!! Ewan ko ba? pero nung nasa boys over flowers hindi naman ako nagkaganto, ngayon lang! hahaha! ewan ko ba? Siguro nadala lang ako sa kahibangan ng kaibigan at kapatid ko harhar! Eto ang profile picture ko ngayon sa facebook at kunwari in a realationship kami! haha bakit ba? libre lang naman mangarap di ba?.

hibang nako kung hibang. ok lang. haha basta masaya ako.
kasi naman nuh? kahit sino mahihibang sakanya. He has the perfect smile, perfect eyes, perfect nose.. ahhh basta ang gwapo nya!! (kinikilig tone) Sayang hindi ko sya mamemeet ng personal. At kung mamemeet ko man sya, hindi rin kami magkakaintindihan! hahaha pero ayos lang.
Gusto ko lang ishare yung mga picture na naupload ko sa google. titigan nyo ang kanyang kagwapuhan! hahahaha hope you enjoy :p




















ang yummy db?! haha. Feelingera talaga ako! kasi feeling ko bagay kami lalo nat break na sila ni PARK MINYANG. lol.
meant to be din kami kasi pareho kaming pinanganak ng JUNE 1987.
ayos, db?! haha

B A C K S T A B B E R S

this picture is not mine

Nainis ako sa mga kaibigan ng kapatid ko, halos lahat sila ganto! Magkaibang magkaiba kasi kami ng personality ng kapatid ko. Ako kasi pranka ako, pag may namumuong problema or so called 'away' at nararamdaman kong pinag uusapan nila ako behind my back. Pinapranka ko sila at tinatanong kung anong problema. Kaso hindi ganun ang kapatid kong babaeng si Joy. Mahina loob nya sa mga ganto pero matapang sya at hindi iyakin. Kahapon, ang alam ko whole day sila sa school at gabi na sya uuwi. Pero 2pm palang nasa bahay na sya, prior to that nagtext na sya sakin na naiinis sya pero hindi sya nag name out so akala ko wala lang. pero pag uwi nya nagsumbong sya sakin sa ngyari sa school at kahit my Lab pa sila ng paalam na sya sa Prof nya na masama na pakiramdam nya kasi nga hindi na nya kaya ang ginagwa sakanya ng group of friends nya, Habang nagsusumbong sya, hindi na nya kinayang pigilang hindi maiyak sa sobrang sama ng loob. naawa ako sa kapatid ko, ang masaklap pa. kilala kung sino sino ang mga gumaganon sakanya. Sa sobrang inis ko hindi ko napigilan magpost sa Facebook at tinag ko to sa kapatid ko para mabasa ng mga so called "friends" daw kuno! 
" lahat ng mga BACKSTABBERS matapang lang pag nakatalikod ka pero pag nakaharap DUWAG!! Bakit? PLASTIK kasi sila, ayaw nilang ipakita ang tunay nilang ugali para kunwari sila ang MAGALING AT MABAIT!!
(Ano tinamaan ka ba?!! Bago ka manira ng ibang tao tingnan mo muna sarili mo! bakit? PERFECT kaba para mag inarte ka! tandaan mo, DIGITAL na ang KARMA!)"
Pagkapost ko nito, pinabasa ko sa kapatid ko, niyakap nya ako at nag thankyou sya sakin. Pakiramdam ko kasi eto lang ang kaya kong gawin para maipagtanggol sya.

Nakakainis lang isipin na bakit may mga taong ganon? Oo alam ko minsan may nasasabi ako sa ibang tao pag wala sila pero hindi para siraan sila at ipamukha sa ibang tao na sila ang laging may mali. Nakakainis lang kasi kung makapagcomment sila parang bawal na magkamali. Bakit? Perfect ba sila para manghusga?! Sabi nga ng ate ko Ang Pag iinarte na aayon sa Ganda. Eh kung tutuusin lamang ng sampong paligo ang kapatid ko kesa sa backstabber na yan. Tama nga yung nabasa ko sa isang qoute na INSECURITY is the reason why BACKSTABBERS are born. 

Alam ko naman hindi ako perfect na friend pero on my opinion, if you do have problem with your friend o may ugali kang hindi gusto sa kaibigan mo. sabihin mo ng harap harapan, kaya ka nga kaibigan para turuan at sabihin sakanya yung mali. Kasi alam naman natin individually na minsan hindi tayo aware na may nagagawa na pala tayong di maganda sa iba at ikinakainis nila. At tayo bilang kaibigan, kelangan natin ipaalam ito sa saknya hindi sa iba. Kasi sinisiraan mo na sya pag ganun. Ikaw na ang nglelead ng way para mainis ang ibsa sakanya. You are giving them wrong impression to your friend and that is wrong! Hindi kaibigan ang tawag sayo. Isa kang Backstabber na plastic. I know harsh ang mga words ko pero reality hurts. We need to wake up ang accept the truth na may mali din tayo. Kung nagawa mo na yan before, that's fine, pwede ka pang mag bago. Dont do it again at gawin mo ang tama. Sa buhay na to mahirap makahanap ng tunay na kaibigan. At baka yung TRUE friend na hinahanap mo pala ay mawala dahil sa mga nasabi mo. It's not too late to realize what you have done and there is a lot of time to change. :)
this picture is not mine.

Who Said I'm Single?!

Ever since I was teen (high school to college) I was always in a relationship. Pagbreak namin nung isa, meron nanamang iba. nasanay na ako ng ganon, hindi nababakante. Pero yung mga relasyon na yun, masabi lang na may boyfriend at hindi nag oover ng 3 months. Puppy love, konting away break agad tapos maghahanap nanaman ng iba, palibhasa magkakasing age lang kami, mga isip bata. Not until I met him, Daniel. He is 7 years older than me. Naging kami I was 19 and he was 26. Siya ang pinakamatagal kong relasyon, almost 4 years. Siya rin yung seryoso kong relasyon. Madami akong natutunan sakanya at madaming first time. Madami at malalim din ang aming pinagsamahan. Kahit na madaming tutol saming dalawa. Hindi ang parents ko kasi sila nga ang nagpakilala sakin sakanya. But my friends in college and at work. Masyado daw syang matanda sakin at parang nagloloko pa. Pero hindi ako naniwala kasi I've experienced ng magkarelasyon na kasing eded ko at pakiramdam kong mas hindi sila seryoso. Unfortunately, we broke up. Not because we fall out of love but because nangati sya at nagpakamot sa iba, ayon may nabuo sa ginawa nila. On that time, I was so mad, so frustrated and pakiramdam ko wala ng nagmamahal sakin. I was not expecting na ganto ang mangyayari. Kahit parents ko nashock sa ngyari. Nung time na yun, napaka fragile ko at vulnerable. Konting suyo lang nya bumibigay kaagad ako kahit alam ko na ang totoo. I gave him a second chance, but then again iba parin ang kadugo. Pinaliwanag nya sakin na kelangan nyang pakasalan yung girl dahil family friend nila ang parents nung babae. Dun, hindi nako pumayag. Nakipaghiwalay nako sakanya. Sobrang nagsarado na ang puso ko up until now, kasi lahat ng mga nanliligaw sakin ay lagi kong kinocompare sakanya. Kaya hanggang ngayon single parin ako kasi halos lahat sila tinuturn down ko pag may nakita akong oposite sa ugali nya. Hanggang sa isang araw, I realized na I can't blame him sa mga ngyari, marami rin akong pagkukulang at pagkakamali. nung araw ko rin narealize na madami pala akong kaibigan na nagmamahal at nag aalala para sakin. Napaka bulag ko para di ko makita ang effort at pag aaruga nila sakin during my lowest days... Andyan sila para pasayahin ako at iparamdam sakin na kahit wala akong boyfriend pwde parin ako maging masaya. Nung una ang hirap mag adjust kasi nasanay akong laging may karelasyon. Im not talking about physical thing but the companionship itself. Yung pakiramdam na alam mong may magpprotekta sayo. But they prove it wrong, na kahit wala akong boyfriend, pwede nilang punan yun para sakin. I am so lucky to have them. Kasi during my up and down time in my life, lagi silang andyan. Though, minsan may mga times talaga na diko sila makakasama pero the fact na tatawagan or ittext nila ako para iparamdam sakin na andyan sila. Grabe, wala nakong hihilingin pa.
Now i realized na sino bang nag sabi na single ako sa buhay? Title lang yun sa civil status pero sa totoong buhay I'm not. kasi andyan sila palagi para sakin. Actually, para ko nga silang karelasyon na talaga kasi para silang mommy , kapatid, kaibigan at lover ko. All around na nga eh! hahaha! At minsan kaasaran, kung mga maglait sakin yan, wagas! At pag nagkamali ako, parang wala ng bukas kung magalit. Ganun pa man, minahal nila ako ng totoo kaya Who said I'm Single?! Nagkakamali kayo! Two timer nga ako kasi dalawa yung GirlFriends ko. Kung san san na kami na padpad at kung ano ano na kinakain at napapanuod namin pag nagdadate kami. nakakatuwa nuh?! Basta ako.. masaya ako ngayon at part sila ng buhay ko :)

me,carlen and anna


Sila ang mga GirlFriends ko, Carlen Cruz and Anna Labagala. 

January 27, 2012

books on my shelves

I love reading books, most especially pocket books! Feeling ko kasi ako yung heroine sa story. Dati ang mga binabasa ko lang, yung mga local PB. But my friend named Carlen introduced to me this kind of book (harlequin). Mukha syang boring tingnan kasi mukha syang luma. Well old books naman talaga sya ang was published during 1980's. I tried to read it and i was amazed because i was not expecting that most of their stories were unpredictable and had a twist on it. Kakaiba! Simula nun, addict na addict nako dito. Every payday dumadaan ako sa booksale para lang makabili kahit isang book lang and of course yung iba dun eh donation ng aking girlfriend na si Carlen. Thanks to her!! At isa nako sa mga fans ng Harlequin! :)
I recommend na itry nyong basahin to, try nyong bilhin yung old fashioned na harlequin kasi yung mga bagong published medyo detailed na sya about love making unlike yung old books, very sweet and discreet. well anyway, kahit ano naman magaganda parin ang stories nyan. 








***************




I remember my high school and college days! sikat na sikat samin si BOB ONG! Hmmm feeling ko naman hanggang ngayon sikat parin siya lalo nat may bagong syang librong naipublished yung ang mga kaibigan ni mama susan at lumayo ka nga sa akin. Well, nakakatuwa naman talaga si BOB ONG kasi lahat ng makabasa nito ay nakakarelate sakanya. Well going back, nung mga time na nag aaral pako naghahanap pako ng mahihiraman ng libro para makabasa man lang kahit isa sa mga libro niya however may mga ilan tlagang sadyang masinop sa gamit at ayaw magpahiram! haha. That's fine, ngayon naiintindihan ko sila. dahil marami narin akong kilala na di nagbabalik ng libro pag nanghiram. Anyway, halos na kompleto ko na ang lahat ng libro ni BOB ONG simula nung nagkatrabaho ako. at lahat sila ay nakakatuwa. :) Yung dalawang bagong published pa yung hindi ko pa nabibili. pero soon i'll make sure na makukuha ko sila. 




ahh basta! Idol ko talaga si BOB ONG! hmm.. naalala ko tuloy na niresearch ko pa sya para lang malaman kung sino ba sya or yung totoong name ng author nito. Pero hanggang ngayon ay di parin sya nagpapakilala. Ganun pa man, bilib ako sakanya. Nakuha nya ang loob naming natutuwa sa libro nya! :)




**************************




As I've said earlier mahilig ako sa pocketbooks at bago ko nakilala ang Harlequin books naghumaling muna ako sa mga tagalog books. Madami akong gustong local pocket books bukas sa Precious Hearts Romance, My Special Valentine, 18 Karat at marami pang iba. Madami din akong favorite local authors. Though minsan yung mga stories nila napaka predictable kung anong mangyayari pero iba parin pag sila ang nagsulat. Basta, pakiramdam ko eh ako talaga yung heroine. Eh bakit ba? Ganun naman talaga yung purpose nung mga sinusulat nila di ba? ang iparamdam sayo na kunwari ikaw yung nagsasadula. 








Nako sa dami na ng mga tagalog pocketbooks ko, pwede ko ng ipa rent ito katulad nung mga iabang tindahan sa bangketa. 5pesos per book. hahaha pwede diba?. 
Gusto ko lang ishare, mahilig din ako magsulat ng mga storya katulad ng pocket books. Basta pag nagdaday dream ako, minsan sinusulat ko, yung mga bagay bagay na naiisip ko what if may makilala akong ganto at ganto buhay ko. Ayun dun na nagsisimula ang mga kwento na nabubuo sa isip ko. sabi nga ng kapatid ko na nakabasa nito, pwede daw ako maging writer... ako naman napaisip, pwede bang maging writer ang tao na ang kurso ay HRM?! Natawa lang ako sa sarili ko, sabi ko nlang sa kapatid ko. ok nako na nababasa mo ang mga sulat ko. :D




****************************




Sino ba naman ang hindi naaddict sa librong ito TWILIGHT SAGA. Grabe isa ako sa mga nag effort at umikot sa ibat ibang book store makumpleto ko lang ang mga ito. Well hand ups naman talaga ko sa mga sulat ni Stephanie Meyer. Ang galing galing talaga, parang may magic spell kasi pag nabasa mo yung isang libro hindi pwedeng hindi mo mabasa yung susunod kasi nakakabitin at eager na eager kang malaman kung anong susunod... Basta isa ito sa mga paboritong libro ko :)






Ngayon nga, inuulit kong basahain yung breaking dawn. I've heard na sa March na daw yung  Breaking Dawn Part 2. Para marefresh lang ulit yung buong story... :)






*****************************




Meron din akong english pocketbooks, hindi sila ganun kadating sakin di katulad ng harlequin pero ok din naman yung stories. 
Meron din akong mga Christian Books or Books of God. Meron din akong bible pero mas gusto ko pang basahin yung Purpose Driven LIfe.








those picture that was posted is not mine. 

Girl Friends!