Isa syang businessman, madami syang mayayaman na kaibigan at mga malalaking tao na kasosyo nya sa kanyang business. Ang kwento sakin ni daddy noon, mahirap lang daw talaga sila noong mga bata sila. Nagsikap lang daw sya at naging masipag kaya naabot nya ang kinatatayuan nya ngayon. Halos lahat kaming magkakapatid ay hanga sa kanyang aking talento. Yun nga lang, masyado na nyang inabuso ang kanyang sarili. Dumating ang panahon na hindi namin inaasahan, nagkasakit si daddy, isang traydor na sakit. STROKE. Nagulat kaming lahat kasi laging healthy foods ang kinakain nya, hindi sya ng ssmoke at hindi rin sya pala inom ng alak. Sabi ng doctor, sa sobrang pagod sa trabaho at konting pahinga. Nastroke si daddy year 2000 of January. Lahat kami nanlumo, umiyak, nalungkot at natakot.
ST LUKES HOSPITAL |
Madaming taon pa ang lumipas at unti unting nakarecover si daddy sa kanyang sakit, ngunit sa kadahilanan nga na traydor ang sakit nya. Bigla syang inatake ulit nito. Eto nanaman yung ayaw namin maramdaman. Mas lao na ngayon na may sakit sya. Dumoble ang panlulumo, lungkot, iyak at takot namin sa ngyayari kay daddy. Hindi pa kami ready na mawala sya. Hindi pa kami handa sa lahat... At pinagbigyan kami ni Lord, sinabi ng Doctor na makakasama pa namin si daddy, nagsuccess ang operasyon ngunit hindi na sya katulad ng dati. Magiging lantang gulay na sya o bedridden. Meron pa ngang pagkakataon na pinapapili na kami ng doctor dahil mabigat na responsibilidad at gastusin daw ang aming ilalabas upang humaba pa ang buhay nya. Pero ayaw naming magpasindak sa mga gastusin na yan, kikitain rin naman namin yan. Ang mahalaga samin ay makasama namin si daddy at iparamdam namin sa kanya na mahal na mahal namin sya!
sa room ni daddy |
Dumating ulit ang panahon na mas lalo kaming nagipit at hindi na namin kayang mag bayad ng dalawang nurse (isa sa pang araw at isa sa panggabi). Kaya nag decide kami na kumuha nlang na panggabing nurse. pero hindi rin nagtagal yun dahil mas lalo pa kaming sinubok sa financial. Kaya kaming magkakapatid na lamang ang nagsasalit salitan na bantayan sya. Ok lang samin kasi nagkakaron kami ng bonding time with daddy at kaming magkakapatid.
Lumaban si daddy ng apat na taon, binigyan nya kami ng panahon upang maghanda, at sinigurado nyang kaya na namin dahil malalaki na kami. Binigyan kami ni Lord ng apat na taon upang makasama at mahalin namin sya ng buong puso bago nya kinuha si daddy samin. OO masakit pero mas masakit din saming makita na naghihirap na sya at nasasaktan na sa mga sugat nya.
Naaalala ko pa, nawala sya nung JANUARY 19, 2011. Akala namin natutulog lang sya nung mga panahon na yun, wala na pala sya. Nalaman lang namin na wala na sya nung dumating ang doctor at sinabi samin at aming madrasta na "Nay, wala na po si tatay".. Nong mga panahon na yun ay ang hirap tanggapin. Pero unti unti rin naming narealize na its time for us to let him go and rest in peace.... Mahal na mahal namin si daddy.. Actually he was the best dad ever!!
ika siyam na araw ni daddy |
Sa nangyari samin, madami akong pinagsisihan at natutunan. At dahil dito ay mas naging matatag at naging close pa kaming magkakapatid. Pag nagkikita kita kami hindi kami nauubusan ng kwento at lagi kaming masaya.
Dahil kay daddy, naging mabuti kaming tao.
Sa mga nakakabasa nito, hanggat andyan pa ang mga magulang nyo, mahalin nyo sila na parang wala ng bukas. Sabi nga nung Father na nag mass samin nung babang luksa ni daddy, ang kamatayan ay traydor, hindi mo alam kung hanggang kelan ka mabubuhay. Hindi mo alam kung sa pagtulog mo mamaya ay magigising ka pa o ang iyong mga mahal sa buhay. Kaya't hanggang maaga pa ay sabihin nyo na sa kanila kung gano mo sila kamahal, na despite sa kanilang pakikitungo sayo (kung may alitan kayo ngayon) nagpapasalamat ka na inalagaan at hinayaan ka nilang masaksihan ang mundo.
Basta daddy, alam ko kasama ka namin at binabantayan mo kami..
Daddy, Happy birthday. Ngayon ang ika 62nd birthday mo. At gusto kong malaman mo na miss na miss ka na namin. Sa tuwing naaalala kita, hindi ko mapigilan na hindi maluha. Mahal na mahal ka namin daddy, sobra...
Lord, thankyou sa lahat ng blessings, sa lahat ng binigay mo samin. Lord sorry sa mga nagawa naming kasalanan. Hinihiling ko po Lord na sana lagi nyong gabayan ang kaluluwa ni daddy at gabayan nyo rin po kami. Thankyou talaga Lord, Iloveyou :) Amen.
naiiyak naman ako... Let's not take our love ones for granted
ReplyDelete