this photo is not mine |
It doesn't make any sense! Bakit pati ang mga walang kamalay malay na bata ay nadadamay sa kanilang pagkakamali. I know poverty and over population are the famous problems that we are facing in our country but do they really need to do this?!! Siguro nga yung mga gumawa nito ay hindi pa ready sa commitment pero sana wag nila idamay ang bata. Look, malaki na sya, siguro nasa 9 months na to sa tyan ng kanyang ina. Nakakapangilabot, nakakaawang bata. Kung hindi pa sila ready sa gantong sitwasyon sana nag ingat sila. Sana gumamit sila ng proteksyon! Sana bago nila ginawa ang isang bagay ay inisip nila ang mga possibilities na pwedeng mangyari. I know i'm not in the position to judge them kasi hindi ko pa nararanasan ang gantong sitwasyon, na mabuntis sa di tamang panahon but i know deep in my heart and soul na kung mangyari man ito at hindi ko inaasahan na mangyayari ito, hinding hindi ako mag iisip ng abortion. Madaming mag mag asawa ang nangangarap na magkaanak ngunit hindi sila mabiyayaan ng ganto. Naniniwala akong bawat sanggol na isinilang sa mundo ay blessings! Lahat ng to ay galing sa Diyos. Lahat ng to ay may purpose kaya dumating to sa buhay natin. Quitting is not an option, Running away is not the best solution and Abortion is not right answer to your problem! Face it! Kasi yan ang consequence sa ginawa mo. Remember, all actions that you did has its own consequences! Ang buhay ay hindi puro pasarap. Ang buhay ay hindi laging laro...
Ang sakit sa puso, nakakaiyak. Hindi nyo binigyan ng pagkakataon ang bata na masilayan at maranasan kung pano mabuhay dito sa mundo. Hindi nyo siya pinagbigyan upang makita ang ginawa satin ng Diyos! Tandaan nyo sana na ang Diyos lamang ang may karapatang wakasan ang buhay nating lahat. Siya lang at wala ng iba pa! Isang malaking pagkakamali at kasalanan tong nagawa nyo. Sana magbigay aral to sa inyo...
Alam ko ang bawat salita na naisulat ko dito ay puno ng puot at hinanakit, masakit isipin na hindi nila pinahalagahan ang biyaya na binigay ng Diyos kahit sa di tamang panahon. Pero alam ko God has a purpose why he did that. He knows when is the right time even though we don't think it is. Eventually, we will realize why he did that.
Sana magbigay ito ng munting aral satin na wag nating gawing biro ang gantong sitwasyon. Wag natin gawin ang ginawa nila... Bawat tao ay may karapatan mabuhay dito sa mundo. Kung mabuntis ka man sa di tamang panahon, dapat natin harapin ang ginawa nating pagkakamali. Dahil itong pagkakamali na to ang magtuturo satin sa tama. Ito ang tutulong satin para mabuting tao. Wag niyo sanang tularan ang mga taong gumawa nitong ABORTION!!
No comments:
Post a Comment