Ever since I was teen (high school to college) I was always in a relationship. Pagbreak namin nung isa, meron nanamang iba. nasanay na ako ng ganon, hindi nababakante. Pero yung mga relasyon na yun, masabi lang na may boyfriend at hindi nag oover ng 3 months. Puppy love, konting away break agad tapos maghahanap nanaman ng iba, palibhasa magkakasing age lang kami, mga isip bata. Not until I met him, Daniel. He is 7 years older than me. Naging kami I was 19 and he was 26. Siya ang pinakamatagal kong relasyon, almost 4 years. Siya rin yung seryoso kong relasyon. Madami akong natutunan sakanya at madaming first time. Madami at malalim din ang aming pinagsamahan. Kahit na madaming tutol saming dalawa. Hindi ang parents ko kasi sila nga ang nagpakilala sakin sakanya. But my friends in college and at work. Masyado daw syang matanda sakin at parang nagloloko pa. Pero hindi ako naniwala kasi I've experienced ng magkarelasyon na kasing eded ko at pakiramdam kong mas hindi sila seryoso. Unfortunately, we broke up. Not because we fall out of love but because nangati sya at nagpakamot sa iba, ayon may nabuo sa ginawa nila. On that time, I was so mad, so frustrated and pakiramdam ko wala ng nagmamahal sakin. I was not expecting na ganto ang mangyayari. Kahit parents ko nashock sa ngyari. Nung time na yun, napaka fragile ko at vulnerable. Konting suyo lang nya bumibigay kaagad ako kahit alam ko na ang totoo. I gave him a second chance, but then again iba parin ang kadugo. Pinaliwanag nya sakin na kelangan nyang pakasalan yung girl dahil family friend nila ang parents nung babae. Dun, hindi nako pumayag. Nakipaghiwalay nako sakanya. Sobrang nagsarado na ang puso ko up until now, kasi lahat ng mga nanliligaw sakin ay lagi kong kinocompare sakanya. Kaya hanggang ngayon single parin ako kasi halos lahat sila tinuturn down ko pag may nakita akong oposite sa ugali nya. Hanggang sa isang araw, I realized na I can't blame him sa mga ngyari, marami rin akong pagkukulang at pagkakamali. nung araw ko rin narealize na madami pala akong kaibigan na nagmamahal at nag aalala para sakin. Napaka bulag ko para di ko makita ang effort at pag aaruga nila sakin during my lowest days... Andyan sila para pasayahin ako at iparamdam sakin na kahit wala akong boyfriend pwde parin ako maging masaya. Nung una ang hirap mag adjust kasi nasanay akong laging may karelasyon. Im not talking about physical thing but the companionship itself. Yung pakiramdam na alam mong may magpprotekta sayo. But they prove it wrong, na kahit wala akong boyfriend, pwede nilang punan yun para sakin. I am so lucky to have them. Kasi during my up and down time in my life, lagi silang andyan. Though, minsan may mga times talaga na diko sila makakasama pero the fact na tatawagan or ittext nila ako para iparamdam sakin na andyan sila. Grabe, wala nakong hihilingin pa.
Now i realized na sino bang nag sabi na single ako sa buhay? Title lang yun sa civil status pero sa totoong buhay I'm not. kasi andyan sila palagi para sakin. Actually, para ko nga silang karelasyon na talaga kasi para silang mommy , kapatid, kaibigan at lover ko. All around na nga eh! hahaha! At minsan kaasaran, kung mga maglait sakin yan, wagas! At pag nagkamali ako, parang wala ng bukas kung magalit. Ganun pa man, minahal nila ako ng totoo kaya Who said I'm Single?! Nagkakamali kayo! Two timer nga ako kasi dalawa yung GirlFriends ko. Kung san san na kami na padpad at kung ano ano na kinakain at napapanuod namin pag nagdadate kami. nakakatuwa nuh?! Basta ako.. masaya ako ngayon at part sila ng buhay ko :)
|
me,carlen and anna
Sila ang mga GirlFriends ko, Carlen Cruz and Anna Labagala. |
No comments:
Post a Comment