January 27, 2012

books on my shelves

I love reading books, most especially pocket books! Feeling ko kasi ako yung heroine sa story. Dati ang mga binabasa ko lang, yung mga local PB. But my friend named Carlen introduced to me this kind of book (harlequin). Mukha syang boring tingnan kasi mukha syang luma. Well old books naman talaga sya ang was published during 1980's. I tried to read it and i was amazed because i was not expecting that most of their stories were unpredictable and had a twist on it. Kakaiba! Simula nun, addict na addict nako dito. Every payday dumadaan ako sa booksale para lang makabili kahit isang book lang and of course yung iba dun eh donation ng aking girlfriend na si Carlen. Thanks to her!! At isa nako sa mga fans ng Harlequin! :)
I recommend na itry nyong basahin to, try nyong bilhin yung old fashioned na harlequin kasi yung mga bagong published medyo detailed na sya about love making unlike yung old books, very sweet and discreet. well anyway, kahit ano naman magaganda parin ang stories nyan. 








***************




I remember my high school and college days! sikat na sikat samin si BOB ONG! Hmmm feeling ko naman hanggang ngayon sikat parin siya lalo nat may bagong syang librong naipublished yung ang mga kaibigan ni mama susan at lumayo ka nga sa akin. Well, nakakatuwa naman talaga si BOB ONG kasi lahat ng makabasa nito ay nakakarelate sakanya. Well going back, nung mga time na nag aaral pako naghahanap pako ng mahihiraman ng libro para makabasa man lang kahit isa sa mga libro niya however may mga ilan tlagang sadyang masinop sa gamit at ayaw magpahiram! haha. That's fine, ngayon naiintindihan ko sila. dahil marami narin akong kilala na di nagbabalik ng libro pag nanghiram. Anyway, halos na kompleto ko na ang lahat ng libro ni BOB ONG simula nung nagkatrabaho ako. at lahat sila ay nakakatuwa. :) Yung dalawang bagong published pa yung hindi ko pa nabibili. pero soon i'll make sure na makukuha ko sila. 




ahh basta! Idol ko talaga si BOB ONG! hmm.. naalala ko tuloy na niresearch ko pa sya para lang malaman kung sino ba sya or yung totoong name ng author nito. Pero hanggang ngayon ay di parin sya nagpapakilala. Ganun pa man, bilib ako sakanya. Nakuha nya ang loob naming natutuwa sa libro nya! :)




**************************




As I've said earlier mahilig ako sa pocketbooks at bago ko nakilala ang Harlequin books naghumaling muna ako sa mga tagalog books. Madami akong gustong local pocket books bukas sa Precious Hearts Romance, My Special Valentine, 18 Karat at marami pang iba. Madami din akong favorite local authors. Though minsan yung mga stories nila napaka predictable kung anong mangyayari pero iba parin pag sila ang nagsulat. Basta, pakiramdam ko eh ako talaga yung heroine. Eh bakit ba? Ganun naman talaga yung purpose nung mga sinusulat nila di ba? ang iparamdam sayo na kunwari ikaw yung nagsasadula. 








Nako sa dami na ng mga tagalog pocketbooks ko, pwede ko ng ipa rent ito katulad nung mga iabang tindahan sa bangketa. 5pesos per book. hahaha pwede diba?. 
Gusto ko lang ishare, mahilig din ako magsulat ng mga storya katulad ng pocket books. Basta pag nagdaday dream ako, minsan sinusulat ko, yung mga bagay bagay na naiisip ko what if may makilala akong ganto at ganto buhay ko. Ayun dun na nagsisimula ang mga kwento na nabubuo sa isip ko. sabi nga ng kapatid ko na nakabasa nito, pwede daw ako maging writer... ako naman napaisip, pwede bang maging writer ang tao na ang kurso ay HRM?! Natawa lang ako sa sarili ko, sabi ko nlang sa kapatid ko. ok nako na nababasa mo ang mga sulat ko. :D




****************************




Sino ba naman ang hindi naaddict sa librong ito TWILIGHT SAGA. Grabe isa ako sa mga nag effort at umikot sa ibat ibang book store makumpleto ko lang ang mga ito. Well hand ups naman talaga ko sa mga sulat ni Stephanie Meyer. Ang galing galing talaga, parang may magic spell kasi pag nabasa mo yung isang libro hindi pwedeng hindi mo mabasa yung susunod kasi nakakabitin at eager na eager kang malaman kung anong susunod... Basta isa ito sa mga paboritong libro ko :)






Ngayon nga, inuulit kong basahain yung breaking dawn. I've heard na sa March na daw yung  Breaking Dawn Part 2. Para marefresh lang ulit yung buong story... :)






*****************************




Meron din akong english pocketbooks, hindi sila ganun kadating sakin di katulad ng harlequin pero ok din naman yung stories. 
Meron din akong mga Christian Books or Books of God. Meron din akong bible pero mas gusto ko pang basahin yung Purpose Driven LIfe.








those picture that was posted is not mine. 

2 comments: