February 06, 2012

D a d d y

Si daddy super mapagmahal na ama, hanggat kaya nyang ibigay binibigay nya, super sweet pa. Strict na dad lang talaga sya, masyado syang mahigpit saming mga babaeng anak pero tuwang tuwa sya pag ngchichicks yung kanyang lalakeng anak. Hanggang ngayon, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nya saming magkakapatid. Alam ko kahit bihira nyang sabihin na mahal na mahal nya kami. Malambing din si daddy, mapagbiro, mabait at mahilig tumawa. OO, mapagmahal talaga si daddy kaya nga 9 kaming magkakapatid sa tatlong iba't ibang mommy. And believe or not, close kaming magkakapatid. Magaling kasi si daddy at mababait yung mga kapatid ko. Kaya naman lahat kaming magkakapatid, mahal na mahal namin sya.

Isa syang businessman, madami syang mayayaman na kaibigan at mga malalaking tao na kasosyo nya sa kanyang business. Ang kwento sakin ni daddy noon, mahirap lang daw talaga sila noong mga bata sila. Nagsikap lang daw sya at naging masipag kaya naabot nya ang kinatatayuan nya ngayon. Halos lahat kaming magkakapatid ay hanga sa kanyang aking talento. Yun nga lang, masyado na nyang inabuso ang kanyang sarili. Dumating ang panahon na hindi namin inaasahan, nagkasakit si daddy, isang traydor na sakit. STROKE. Nagulat kaming lahat kasi laging healthy foods ang kinakain nya, hindi sya ng ssmoke at hindi rin sya pala inom ng alak. Sabi ng doctor, sa sobrang pagod sa trabaho at konting pahinga. Nastroke si daddy year 2000 of January. Lahat kami nanlumo, umiyak, nalungkot at natakot.

ST LUKES HOSPITAL
Pero syempre, malakas ang loob ni daddy, lumalaban sya, Desidido talaga syang gumaling dahil mga bata pa kami. I was just 13 yrs old, si Joy naman was 9 and si Jhay R was 4 years old. Lagi syang nagpapa therapy at nag aaral syang magbasa at magsulat gamit ang kaliwa nyang kamay. Dumating din ang panahon na medyo naging gipit kami kaya yung dati nyang kanang kamay na kasa kasama nya kahit saan ay hinayaan na naming umalis at kumuha ng opportunity sa ibang bansa. Ako ang naging kapalit non, ok lang sa akin kasi tatay ko naman sya. Hindi rin pwede yung iba kong kapatid kasi busy sila sa work at yung iba ay nasa college na kayat laging busy sa school. Masaya ako kasi lagi kaming maybonding moments ni daddy dahil lagi kaming ngbibiruan. Dumating pa nga sa punto na nalaman ni daddy na may boyfriend nako, when i was 1st year college. Kinausap nya ako kahit pabulol bulol ito, na gusto nyang makilala ito. Nung kausap na ni daddy yung ex ko, pinaghiwalay nya kami at sabi ay mag aral daw muna kami. (natawa ako kasi kahit may sakit na si daddy eh strict na parents parin sya! hihi) pero hindi ako nagalit o nagsisisi. Natuwa pa nga ako kasi naranasan kong paghigpitan ni daddy... Promisem totoo yan.
Madaming taon pa ang lumipas at unti unting nakarecover si daddy sa kanyang sakit, ngunit sa kadahilanan nga na traydor ang sakit nya. Bigla syang inatake ulit nito. Eto nanaman yung ayaw namin maramdaman. Mas lao na ngayon na may sakit sya. Dumoble ang panlulumo, lungkot, iyak at takot namin sa ngyayari kay daddy. Hindi pa kami ready na mawala sya. Hindi pa kami handa sa lahat... At pinagbigyan kami ni Lord, sinabi ng Doctor na makakasama pa namin si daddy, nagsuccess ang operasyon ngunit hindi na sya katulad ng dati. Magiging lantang gulay na sya o bedridden. Meron pa ngang pagkakataon na pinapapili na kami ng doctor dahil mabigat na responsibilidad at gastusin daw ang aming ilalabas upang humaba pa ang buhay nya. Pero ayaw naming magpasindak sa mga gastusin na yan, kikitain rin naman namin yan. Ang mahalaga samin ay makasama namin si daddy at iparamdam namin sa kanya na mahal na mahal namin sya!

sa room ni daddy
Nakakalungkot mang isipin, ang laki talaga ng kanyang pinayat. lagi syang nagkakaron ng bed sore at unti unti ng bumabaluktot ang kanyang mga paa. Pero ganun pa man ay never kaming pinanghinaan ng loob. mas lalo pa namin syang minahal.
Dumating ulit ang panahon na mas lalo kaming nagipit at hindi na namin kayang mag bayad ng dalawang nurse (isa sa pang araw at isa sa panggabi). Kaya nag decide kami na kumuha nlang na panggabing nurse. pero hindi rin nagtagal yun dahil mas lalo pa kaming sinubok sa financial. Kaya kaming magkakapatid na lamang ang nagsasalit salitan na bantayan sya. Ok lang samin kasi nagkakaron kami ng bonding time with daddy at kaming magkakapatid.
Lumaban si daddy ng apat na taon, binigyan nya kami ng panahon upang maghanda, at sinigurado nyang kaya na namin dahil malalaki na kami. Binigyan kami ni Lord ng apat na taon upang makasama at mahalin namin sya ng buong puso bago nya kinuha si daddy samin. OO masakit pero mas masakit din saming makita na naghihirap na sya at nasasaktan na sa mga sugat nya.
Naaalala ko pa, nawala sya nung JANUARY 19, 2011. Akala namin natutulog lang sya nung mga panahon na yun, wala na pala sya. Nalaman lang namin na wala na sya nung dumating ang doctor at sinabi samin at aming madrasta na "Nay, wala na po si tatay".. Nong mga panahon na yun ay ang hirap tanggapin. Pero unti unti rin naming narealize na its time for us to let him go and rest in peace.... Mahal na mahal namin si daddy.. Actually he was the best dad ever!!

ika siyam na araw ni daddy

Sa nangyari samin, madami akong pinagsisihan at natutunan. At dahil dito ay mas naging matatag at naging close pa kaming magkakapatid. Pag nagkikita kita kami hindi kami nauubusan ng kwento at lagi kaming masaya.
Dahil kay daddy, naging mabuti kaming tao.

Sa mga nakakabasa nito, hanggat andyan pa ang mga magulang nyo, mahalin nyo sila na parang wala ng bukas. Sabi nga nung Father na nag mass samin nung babang luksa ni daddy, ang kamatayan ay traydor, hindi mo alam kung hanggang kelan ka mabubuhay. Hindi mo alam kung sa pagtulog mo mamaya ay magigising ka pa o ang iyong mga mahal sa buhay. Kaya't hanggang maaga pa ay sabihin nyo na sa kanila kung gano mo sila kamahal, na despite sa kanilang pakikitungo sayo (kung may alitan kayo ngayon) nagpapasalamat ka na inalagaan at hinayaan ka nilang masaksihan ang mundo.

Basta daddy, alam ko kasama ka namin at binabantayan mo kami..
Daddy, Happy birthday. Ngayon ang ika 62nd birthday mo. At gusto kong malaman mo na miss na miss ka na namin. Sa tuwing naaalala kita, hindi ko mapigilan na hindi maluha. Mahal na mahal ka namin daddy, sobra...

Lord, thankyou sa lahat ng blessings, sa lahat ng binigay mo samin. Lord sorry sa mga nagawa naming kasalanan. Hinihiling ko po Lord na sana lagi nyong gabayan ang kaluluwa ni daddy at gabayan nyo rin po kami. Thankyou talaga Lord, Iloveyou :) Amen.

February 01, 2012

abortion

this photo is not mine


It doesn't make any sense! Bakit pati ang mga walang kamalay malay na bata ay nadadamay sa kanilang pagkakamali. I know poverty and over population are the famous problems that we are facing in our country but do they really need to do this?!! Siguro nga yung mga gumawa nito ay hindi pa ready sa commitment pero sana wag nila idamay ang bata. Look, malaki na sya, siguro nasa 9 months na to sa tyan ng kanyang ina. Nakakapangilabot, nakakaawang bata. Kung hindi pa sila ready sa gantong sitwasyon sana nag ingat sila. Sana gumamit sila ng proteksyon! Sana bago nila ginawa ang isang bagay ay inisip nila ang mga possibilities na pwedeng mangyari. I know i'm not in the position to judge them kasi hindi ko pa nararanasan ang gantong sitwasyon, na mabuntis sa di tamang panahon but i know deep in my heart and soul na kung mangyari man ito at hindi ko inaasahan na mangyayari ito, hinding hindi ako mag iisip ng abortion. Madaming mag mag asawa ang nangangarap na magkaanak ngunit hindi sila mabiyayaan ng ganto. Naniniwala akong bawat sanggol na isinilang sa mundo ay blessings! Lahat ng to ay galing sa Diyos. Lahat ng to ay may purpose kaya dumating to sa buhay natin. Quitting is not an option, Running away is not the best solution and Abortion is not right answer to your problem! Face it! Kasi yan ang consequence sa ginawa mo. Remember, all actions that you did has its own consequences! Ang buhay ay hindi puro pasarap. Ang buhay ay hindi laging laro...
Ang sakit sa puso, nakakaiyak. Hindi nyo binigyan ng pagkakataon ang bata na masilayan at maranasan kung pano mabuhay dito sa mundo. Hindi nyo siya pinagbigyan upang makita ang ginawa satin ng Diyos! Tandaan nyo sana na ang Diyos lamang ang may karapatang wakasan ang buhay nating lahat. Siya lang at wala ng iba pa! Isang malaking pagkakamali at kasalanan tong nagawa nyo. Sana magbigay aral to sa inyo...

Alam ko ang bawat salita na naisulat ko dito ay puno ng puot at hinanakit, masakit isipin na hindi nila pinahalagahan ang biyaya na binigay ng Diyos kahit sa di tamang panahon. Pero alam ko God has a purpose why he did that. He knows when is the right time even though we don't think it is. Eventually, we will realize why he did that.

Sana magbigay ito ng munting aral satin na wag nating gawing biro ang gantong sitwasyon. Wag natin gawin ang ginawa nila... Bawat tao ay may karapatan mabuhay dito sa mundo. Kung mabuntis ka man sa di tamang panahon, dapat natin harapin ang ginawa nating pagkakamali. Dahil itong pagkakamali na to ang magtuturo satin sa tama. Ito ang tutulong satin para mabuting tao. Wag niyo sanang tularan ang mga taong gumawa nitong ABORTION!!